My Deepest Apology, Dear Retiree
Chapter 27 – Learning how to Forgive
Napatayo ako sa inuupuan ko nung nakita ko siya. Yung tibok ng puso ko kala mo parang isang kabayong nakikipagkarera sa sobrang bilis. Parang nung una ko lang siyang nakita dati.
Lahat ng galit na meron ako nung nawala siya at lahat ng sakit na dinanas ko dati, nawala ng isang iglap nung nakita ko yung ngiti niya. Ngumiti din lang ako pabalik tapos linipat ko na yung tingin ko sa ibang bagay.
Sumandal ako sa may pader tapos tumayo naman si Alex sa tapat ko kaso medyo malayo siya. Mukhang dumidistansya nga siya sakin ngayon.
Silence.
Iniwan na din kami nila Ge, Charm, Dave at Yani dito sa porch para kahit papano naman daw may privacy kaming dalawa. Di ko na din alam kung san sila pumunta pagkatapos. Siguro nasa guest room lang sila.
Etong katamikan na to yung sobrang nakakabingi sa lahat ng katahimikan na naramdaman ko sa buong buhay ko. Oo, alam kung may mali pero hindi ko alam kung dapat ko na tong ayusin ngayon.
Nakakailang pala kapag katapat mo na yung Ex mo. Parang pakiramdam ko pag ngumiti siya ulit sakin, mahuhulog ulit ako sa kanya ng walang kahirap hirap.
Huminga ako ng malalim tapos tumingin ako sa kanya. Siguro eto na din yung panahon na binigay samin para makapagusap kami ng maayos ni Alex.
“Kamusta naman ang buhay single?”
Tumingin siya sakin tapos yinuko niya yung ulo niya. Parang alam ko na kung anong ibig sabihin nun. Hula ko lang naman.
“May bago ka na?”
“May girlfriend ako ngayon…”
Aray. Ang bilis naman. Wala pang isang buwan may bago na ulit siya. Sev, tibayan mo yung loob mo. Wag mo ipapakita sa kanyang nasaktan ka sa sinabi niya – na nasaktan ka na naman niya. Paulit ulit nalang.
“Pakilala… mo naman ako…”
Gusto kong ipakita sa kanya na masaya ako na nakahanap na siya ng ibang karamay niya. Mas okay na yun kesa saw ala siyang pagsasabihan ng mga nararamdaman niya. Haaay.
Kahit ayaw kong sabihin yun, kailangan eh. Para hindi niya isiping bitter ako.
“Bakit pa?”
Napatingin ako sa kanya. Pero tumingin din ako sa ibang lugar. Gusto kong ibato sa kanya yung mug ko kung hawak ko lang yun ngayon. Kaso ayoko namang gumawa ng eksena dito at baka mapagalitan pa ako kapag nagbasag ako ng wala sa oras.
“Kung sabagay… Di ko din naman siguro siya kila…”
Nageemo emohan ako nung bigla akong siningitan ni Alex sa dapat kong sabihin.
“Eh kung nasa harap ko naman na ngayon yung tinutukoy kong girlfriend ko.”
Muli akong napatingin sa kanya sa sinabi niya. Napapikit ako nung nakita kong nakatingin din siya sakin, pinagmamasdan niya ako gaya nung pagtingin niya sakin nung prom namin. Nahuhulog na naman ako.
““Nakipaghiwalay na ako diba?”
Natawa si Alex ng konti sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nangaasar to o ano eh. Para sa kanya siguro joke na naman tong lahat.
“Sino bang nagsabing pumayag ako sa hiwalayang hinihiling mo?”
Sunod sunod akong nagugulat sa mga sinasabi sakin ni Alex. Wala akong inasahan sa mga sinabi niya. Akala ko nandito siya para magpaliwanag o kaya naman makipagkwentohan lang. Hindi ito yung mga inasahan kong sasabihin niya.
“Binabaan mo ako bigla nung sinabi mong makikipaghiwalay ka na ng hindi man lang ako nakakapagsalita.”
Hindi ko alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko ngayon, kung dapat ba akong matawa sa sarili ko dahil sa mga katangahan na pinagagawa ko o dahil dapat akong matuwa kasi kami pa din sa isip ni Alex. Haay. Ano ba talaga?
Sa ngayon gulong gulo na ako at hindi na din ako masyadong nagsasalita. Baka kung ano pa masabi ko.
Andito na si Alex eh, eto na dapat yung tsansa kong sabihin sa kanya yung mga sakit na binigay niya sakin nung umalis siya pero sobrang torete ako ngayon.
“May tanong ako sayo…”
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko yung pagkunot ng noo niya, mukhang eto na ata yung hinihintay kong usapan na hindi ko masimulan simulan.
“Bakit mo naisip na makipaghiwalay?”
Sobrang baba ng boses ni Alex na rinig ko sa boses niya ang hindi niya nagustohan yung sinabi ko sa kanyang makikipaghiwalay na ako dahil umalis na siya sa tabi ko. Ngayon, parang nagsisisi akong ginawa ko yun sa kanya.
Hindi ako sumagot dahil sa dalawang rason, una dahil hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pangalawa dahil wala talaga akong masabi ngayon dahil sa gulat ko sa pagdating niya ng walang pasabi.
“Kung di mo yun kayang sagutin, may isa pa akong tanong sa’yo.”
Hindi na ako tumingin sa kanya, alam ko naman na kahit sabihin kong ayokong marinig yung tanong na yun sa kanya, tatanungin parin niya kahit anong sabihin ko. Mapilit kasi si Alex kung sa mapilit kaya no choice.
“Kung hiwalay na talaga tayo…”
Naramdaman ko yung paglapit niya sakin. Mas lalong lumakas yung tibok na puso ko. Rinig na rinig ko na nga sa katunayan.
“Papayag ka ba kung manliligaw ulit ako sayo?”
Kung gulat na gulat ako sa mga sinasabi ni Alex kanina, eto na yung bumuo sa gulat ko ngayong gabing to. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya dahan dahan papunta sakin. At alam kong dapat akong makaisip ng isasagot ko sa kanya.
Sinusubukan kong basahin yung reaksyon niya, pero sobrang blanko kaya mas lalo tuloy akong naguluhan.
“Bakit ka bumalik dito?”
Tama bang sagot yung para sa tanong niya? Bahala na.
Gusto ko kasi tong itanong nung bigla siyang lumitaw kanina kaso hindi ako makapagsalita dahil siya yung daldal ng daldal ng mga bagay na nakapagpapatahimik sakin ng bongga.
“Dahil sayo…”
“Sinungaling…”
Kung ano man yung susunod na masasabi ko kay Alex, siguro dala na yun ng galit ko sa kanya.
“Alam ko namang galit ka sakin eh… May karapatan kang magalit sakin Sev. May karapatan ka ding bugbugin ako o saktan ako sa kahit anong paraan mo gusto.”
“Hindi ako bayolente…”
Oo hindi nga ako bayolente pero pakiramdam ko gusto ko siyang patayin ngayon.
““Alam mo ba kung gano ako nasaktan nung nalaman kong lumipat ka na? Alam mo ba kung gano ako umiyak? Na gabi gabi bago ako matutulog umiiyak ako kapag naaalala kita? Alam mo ba na kahit alam kong wala na ka sa tabi ko, hinihiling ko parin sa fountain na yun na sana nandito ka nalang ulit? Alam mo ba…”
Ewan ko kung ano ng nangyari. Bigla nalang tumulo yung luha ng ng biglaan. Yinakap nalang ako ni Alex nung umiiyak ako tapos sinusuntok suntok ko siya kahit wala akong lakas para gawin yun.
Yakap yakap lang niya ako ng mahigpit at mas lalo bumubuhos yung luha ko sa tuwing naalala ko yung gabi na umiiyak ako dati.
““Bakit ba sobrang daya mo?”
Pinilit ko parin magsalita kahit hindi ko na kayang huminga masyado. Si Alex naman tahimik lang, hinihintay akong matapos umiyak.
““Hindi ko ba napakita sayong mahal kita kaya mo ako biglang iniwan nalang?”
Alam kong pamilya yung rason kung bakit umalis si Alex. At hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko nung tinanong ko siya ng walang kwentang tanong na yun. Hindi ko na din kasi makontrol yung sarili ko ngayon.
Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya. Pero hindi naman masyadong nagtagal yung iyak ko dahil nakaramdam ako ng security kay Alex na hindi ko maramdaman sa iba. Pakiramdam ko sobrang ligtas na ako ngayong andito na ulit si Alex.
Pero ang hirap kasing kalimutan yung sakit na dala ni Alex. Ang hirap. Sobrang hirap.
Yun, binitawan na ako ni Alex nung tumigil na ako sa kaiiyak tapos nakakahinga na ako ng maayos. Nung tumingin ako sa mga mata niya, nalungkot ako nung nakita kong sobrang lungkot ng reaksyon niya.
“Sana pala hindi na ako bumalik para hindi ka na umiyak ulit ng ganito.”
Tumalikod siya sakin tapos naglakad siya papaloob ng bahay. Sigurado akong aalis na siya.
“Iiwan mo ba ako ulit?”
“Mukha namang mas masaya ka nung wala ako Sev eh.”
“Mali ka.”
“Kung tatanungin ba kita kung pwede pa ba natin ibalik yung dati may magbabago ba?”
Natahimik ako sa sinabi ni Alex.
“Sabi na eh…”
Napabuntong hininga ako dahil naramdaman ko yung kirot ng puso niya sa sinabi niya.
“Let’s… start over.”
Lumingon siya sakin tapos pinagmasdan lang niya ako – yung pagmamasid na super favorite ko kasi nakakainlove siya mas lalo. Unti unti na din siyang lumapit ulit nung medyo tumagal.
“Gaya ng dati?”
“Hindi, ayoko nun…”
“Eh ano?”
“Gusto ko mas maganda kesa sa dati.”
“Baliw ka talaga.”
Tapos yinakap ko siya. Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag bati na ulit kami. Mamatay ako mas lalo pag pinakawalan ko siya ngayon.
Oo, alam ko wala talagang forever na salita, pero hanggat kaya naming dalawa na magsama, kahit subukin kami ng panahon ng ilang ulit, siguro naman malalagpasan din namin yung mga yun basta magkasama kaming dalawa.
Ilang beses na din kaming nag-away ni Alex pero naayos naman namin yun kahit papano.
Galit ako sa kanya kanina pero isang matinong usapan lang yung nakapagpalimot sakin nung galit na dinadama ko kanina para kay Alex.
Inaamin ko, may pagkakamali din ako nung nakipaghiwalay ako sa kanya kasi iniisip ko lang yung sarili ko. Kaya siguro ngayon, babaguhin ko na yung ugali ko, babawasan ko na din yung pagiging selfish ko. Haaaay.
Matutunan ko din lumunok ng pride, gaya ng natutunan ni Alex nung naging kami. Alam kong mapride si Alex, halata naman sa kanya eh. Ewan ko ba kung pano niya naturuan yung sarili niya na babaan yung pride niya.
Hindi ko na alam kung anong nangyari. Basta nagkatitigan kami ni Alex, yung kamay ko nakabalot sa leeg niya tapos kung kanya naman nasa bewang ko.
Yun, dahan dahan niyang nilapit yung labi niya sa labi ko tapos napapikit nalang ako.
Hindi ko na masyadong idedescribe yung halik, kayo nalang magimagine kung pano. Nyay. Ahahahaha!
Nagulat nalang kaming dalawa nung minulat namin yung mga mata namin. Nagawa na namin yung unang halik namin sa isa’t-isa – pagkalipas ng isang taon naming pagsasama ni Alex. Sa wakas eto na yun.
Nagtawanan kami ni Alex tapos hinalikan niya ulit ako sa lips pero smack lang ata yung tawag dun.
“Gumaganda ka ata?”
“Inlove eh…”
“Ang gwapo ko kasi kamo.”
Tumawa ako tapos nakitawa na din siya. Ang kulit kasi parang kanina umiiyak iyak lang ako tapos ngayon sobrang saya ko na naman. Bipolar much ko lang talaga.
“Ang confident mo din magsabi niyan no?”
“Bakit hindi ba?”
““Wala din naman akong sinabing hindi…”
“Bolera ka talaga!”
“Mana sayo uy.”
“Ay, may nakalimutan pala akong sabihin sayo.”
“Ano yun?”
Lumapit siya mas lalo sakin kahit nasa balikat niya yung mga kamay ko.
“Happy Anniversary…”
Ang kulit kasi binulong pa talaga niya sakin. Ano to? Secret relationship? Uso bulungan? Hahaha. Natawa nalang ako sa paraan niya para igreet ako ng happy anniversary kahit lumipas na.
“Belated pala. Tara celebrate tayo.”
“Anong trip mo? Gabi na kaya!”
“Eh di bukas! Bakit wala na bang bukas?”
“Sorry na.”
Bakit ganun? Kinikilig ako sa aming dalawa? Parang bagong couple lang kami sa kakulitan naming dalawa.
Parang dati lang, ang sarap kapag ganito yung relasyon, yung masaya lang kayong dalawa. Pero yung mga away na malaki’t maliit yung kumukumpleto ng isang maganda at matibay na relasyon.
Umupo kaming dalawa tapos nagkwentohan nalang kaming dalawa tungkol sa mga buhay buhay namin. Kwinento ko din sa kanya na mas lalo kong tinuunan yung pansin yung org ko para kahit papano busy ako tapos wala akong iniisip na iba.
Sinabi ko din sa kanya na kung pwede nga lang, wala akong oras na papalampasin na walang ginagawa kasi si Alex agad yung naiisip ko pag wala akong ginagawa tapos pag magisa lang ako. Emo much lang ako masyado.
“Eh pinagod mo pala yung sarili mo nung wala ako eh…”
“Hindi naman. Busy busihan lang hindi naman pinagod.”
“Ganun na din yun. Hindi ka nga ata nagpapahinga nun eh.”
“Nagpapahinga naman ako. Pag matutulog nga lang.”
“Kita mo! Sira ka talaga. Sabi ko sayo dati ipahinga mo yung sarili mo eh.”
“Sorry na. Di na mauulit yun Lex.”
Ang kulit kasi sobrang sweet ni Alex sakin. Eto yung ang tagal tagal kong hinanap sa iba pero hindi nila mabigay sakin. Hindi sa ang sama sama kong kaibigan, ewan ko.
Siguro attached – oo yun yung tamang word dun, attached lang ako masyado kay Alex kaya lagi kong hinahanap yung prescence niya sa tuwing di ko yun maramdaman o di ko yun makita. Haaay.
“May isa pa pala akong nakalimutan na sabihin sayo.”
“Ano?”
“Dito na ulit ako magaaral.”
“Di nga? Weh! Imbentooooooooo!”
Naniniwala ako sa kanya kasi andito na nga siya eh. Kaso ewan ko, gusto ko lang makasigurado tapos yun na din yung paraan ko para masabi na masaya ako. Wirdo ko lang masyado.
“Eto ayaw maniwala… Inenrol ako ni ate nung isang araw.”
“Ate? Akala ko ba sa Manila ka na nagaaral?”
“Oo dun na nga kaso pinilit pilit ko si Mama kung pwede dito nalang ako.”
“Mama? Alin?”
“Yung tunay kong Mama.”
“O tapos? Anong sabi niya?”
“Naghanap siya ng paraan kasi dun lang talaga ako humingi ng pabor sa kanya kaya pinagbigyan na niya ako. Sakto, yung totoo kong Ate, yung panganay namin, nagtratrabaho na tapos dito siya nanirahan.”
Grabe, sobrang mirakulo yung pagdating ng Ate niya bigla. Parang sakin lang tsaka yung kay Tita, andun na eh, pero swerte ko dumating si Tita.
Pero mukhang hindi kami parehas ng dinaanan ni Alex. Kasi ako swinerte lang talaga samantalang siya, pinilit niyang makabalik dito para lang magkasama ulit kami. Ang sweet niya talaga. Lord! Super thank you po sa mga blessings.
“Naghahanap din kasi si Ate ng kasama niya sa bahay kaya tinanong ko kung pwedeng ako nalang yung kasama niya. Medyo close kasi kami nung ate kong yun, di ko lang masyadong nakwekwento sayo.”
Pinapakinggan ko lang siya magkwento. Bihira kasi siya magkwento ng ganito kahahaba kaya sinusulit ko na kapag dumating yung mga bihira na tinutukoy ko.
“Yun, kinuha na ulit ako ng tunay kong Mama sa pamilya nila. Medyo mahabang proseso yung nangyari at hanggang ngayon in process pa din yung mga papeles. Ewan ko, ang gulo ng buhay ko. Pero ayos lang, kasi kasama na din kita ulit.”
Ngumiti ako kasi ang sweet ng ginawa niya para sakin. Isang paraan ng paglunok ng pride na naman, para makabalik lang siya dito.
Alam ko kasing ayaw talaga niyang kausapin yung tunay niyang pamilya at minsan napipilitan lang talaga siya dahil sakin pero ngayon mukhang nagiging komportable na din siya tapos napapatawad na din niya unti unti yung Mama niya.
Pumasok sa isip ko yung sinabi sakin ni Ge dati na kaya kong bumago ng tao basta bat gugustohin ko.
Ito na ba yung tinutukoy ko ni Ge na proseso ko para magbago yung isang tao? Haaay. Para kasing nag pakialamera ko masyado kapag ganun ako.
“Eh pano naman na yung bago mong pamilya dapat ngayon?”
“Ayos naman sila, sobrang bait nila pero rinespeto nila yung desisyon ng Mama ko na kunin ulit ako. Naintidihan naman nila yung sitwasyon ko tapos sabi nila sakin kapag may kailangan daw ako, bukas daw yung pintuan nila sakin.”
“Aray ko naman!!!”
Napatingin kaming dalawa ni Alex sa may pintuan tapos nakita namin si Charm tsaka si Ge na nakasilip sa may bintana kasi sinarado nila yung pintuan nung binigyan nila kami ni Alex ng konting privacy na mukhang binabawi na nila ngayon.
Nung napansin ata nilang alam na namin na nandun sila dalawa, binatukan ni Ge si Charm.
“Ang OA mo naman kasing mag-aray!”
“Sorry naman. Eh kasi masakit talaga!”
“Uy, tuloy niyo lang usapan niyo. Napadaan lang kaming dalawa nito.”
“Ideya to ni Ge kung tatanungin niyo…”
Natawa nalang kaming dalawa ni Alex tapos pumasok nalang din kami kasi medyo nilalamig na din ako. Mukhang uulan kasi ata kaya malamig yung simoy ng hangin.
Pinalo ni Charm si Ge nung napadaan kami sa kanilang dalawa. Ginamit ni Charm na pampalo yung pitcher na hawak niya kay Ge. Mas lalo lang akong natawa sa kanila kasi ang cute nilang dalawa. Kung nakikita lang nila siguro yun.
Heto na naman ako sa mga linilink kong mga tao. Hahaha.
“Wala kaming narinig ni Ge pramis!”
“Oo, maniwala ka diyan. Bababa kasi kami para irefill yung pitcher ng juice.
“Tsaka kumuha ng pagkain…”
“Tapos nakita namin kayong dalawa…”
“Kaya naisip namin na sumilip.”
“Tapos eto naman ang ingay ingay kaya yun.”
“Eh tama ba naman kasing daganan mo ako!!!”
“Di naman ako mabigat eh!”
“Anong hindi?!”
“Hindi naman talaga!!!”
“Ano ba kayo okay lang samin yun.”
Nagthumbs up si Alex sa kanila tapos umakyat na din kaming dalawa papunta sa guest room, na magkahawak yung kamay. Si Ge at Charm dumeretso nalang sila sa kitchen para gawin yung dapat na gagawin talaga nila.
Pagpasok namin, ang gulo gulo nung kwarto. Unan dito, kumot doon. May balak ata silang gawing bed yung lapag.
“Anong nangyari dito Dave?”
“Aba yung kambal ko na naman yung may gaya niyan tsaka yung best friend mo.”
“Nagkapikonan ulit?”
“Oo nagsimula sa batuhan ng pieces of paper hanggang sa pati kumot tsaka unan pinanghahampas na din nilang dalawa.”
“Yung dalawang yun talaga.”
“Hulaan ko, okay na kayong dalawa?”
“Halata ba Pare?”
“Sa malamang naman diba?”
>“Baliw ka talaga Dave.”
“Mabuti nga yun eh… Awang awa na ako sa kaiiyak mo dati Sev.”
Tapos tumawa siya ng pabiro pero ayos lang naman sakin kasi alam ko namang sobrang inalagaan ako ni Dave nung mga panahong yun. Siya talaga yung nagsilbing kuya kuyahan ko habang wala yung mga kapatid ko.
“Inalagaan niyo ba to nung wala ako?”
“Aba oo naman! Tanong mo pa kay Yani.”
“Grabe! Nanahimik ako dito Dave ah.”
“Oo o hindi lang naman yung sagot mo eh. Arte nito!”
“Pag si Yani nagsabi maniniwala ako.”
“Mukha ba akong hindi kapanipaniwala?”
Hindi sumagot si Alex, pangasar lang. Ako naman tawa ng tawa habang pinapakinggan ko yung usapan nila. Kinuha ko kasi yung isang unan na hinagis nung dalawa sa may gilid ng kwarto.
“Ay grabe ka talaga!!! Bespren pa kita sa lagay na to ah.”
“Joke lang! Grabe ka.”
Pagpakuha ko nung unan sa gilid, umupo ako sa harap ng kama sa tapat ng TV sa tabi ni Yani. Medyo malayo naman ng konti yung TV kaya ayos lang tapos may kutsyon naman na inuupan si Yani kaya hindi masyadong malamig sa lapag. Kumuha din si Alex ng unan tapos tumabi siya sakin.
“At ayaw niyo talagang tumabi sakin ha.”
“Diyan na si Charm at Ge mamaya. Paakyat na din yun.”
“Good luck, siguradong damay ka sa hampasan na naman nila mamaya.”
“Grabe oo nga! Patabi naman ako.”
Nagtawanan kaming tatlo nila Yani tsaka ni Alex nung tumabi si Dave samin tapos nanood nalang kami ng action movie kasi may dalang DVD si Yani.
Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na din si Ge at si Charm at pagkapasok na pagkapasok palang nilang dalawa sa kwarto, nagbabangayan na naman silang dalawa na parang magasawa na sila. Hahaha.
“Ang gentleman mo din eh no?”
Napatingin naman kaming apat sa kanila siyempre. Ang kulit din kasi nilang panoorin, wala kasing nagpapatalo sa kanilang dalawa. Pinause na din namin yung pinapanood namin kasi wala din kaming maiintindihan.
“Okay lang yan. Braso mo palang ulam na eh.”
“Hoy grabe! Salamat sa puri!!!”
“Ano ba yan!!! Kakadating niyo palang.”
“Sorry naman.”
Sabay lapag ng dala dala nilang pagkain sa lamesa na katabi ng kama.
“Aba, at talagang sa lapag na kayo umupo…”
“Wag kayong mahiya, may kama naman eh.”
“Feel at home lang tayo masyado eh no?”
“SHHHHHHHHHHH!”
“Eh sorry na.”
Tapos yun plinay na nila ulit yung movie tapos nanood nalang kami. Pagkatapos naman ng movie kumain muna kami tapos naglaro na kami ng board games.
“Huy Lex, makakauwi ka pa ba?”
Gabi na, so no choice si Alex, dito na siya matutulog kasama namin. Nawili kasi kami masyado sa movie kaya hindi na din namin namalayan yung oras at mukhang ayaw pa talagang umuwi ni Alex.
“Di ko alam eh. Nagpaalam naman ako kay Mama kaya ayos lang.”
“Pero makakatulog ka bang nakapants?”
“Bakit? May suggestion ka ba kung ano susuotin ko?”
“May extra shorts kasi akong dala! Kung ano ano na naman iniisip mo! Beki!!!”
“Asa naman! Peram ako.”
“Pano sa pantaas?”
“May inner shirt ako.”
“May CR dun. Hanapin mo nalang.”
“O pwede naman akong magpalit dito…”
Binato ko siya ng unan tapos tumawa lang si Alex.
“Kadiri ka talaga!!!”
Yun, dumeretso si Alex sa may CR tapos kami naman naglaro nalang kami ng GG habang naghihintay kay Alex. Ako naman hindi naglaro kasi hindi naman talaga ako marunong ng larong yun. Basta ang alam ko, strategy game yun.
Pagbalik ni Alex na nakabihis na, natawa ako kasi halatang hindi sa kanya yung shorts kasi medyo malaki. Nagmukha tuloy siyang damulag sa itsura niya. Ang kulit.
Hobby ko na din ang pagtawa at ngumiti ngayon eh no? Hindi din halata.
Naglaro nalang sila. Ako naman nakahiga lang na nanonood sa kanila kasi hindi ko talaga naiintindihan yung larong yun.
Inusog nalang nung mga lalake yung kutsyon kasi dun sila matutulog tapos kaming tatlo naman sa kama. Dalawa naman yun kaya kasyang kasya sila. Kahit magsipaan sila dun sila din naman yung masasaktan. Hahaha.
Sa gilid ako umupo kasi hindi ako nakakatulog pag nasa gitna ako. Si Yani nalang yung ginitnaan namin kasi isa din magulo si Charm kung matulog. Ayos lang naman daw kay Yani. Buddy buddy na din namin siya.
Hinila hila nila yung isang kutsyon sa kaliwang parte ng kama, kung san ako nakahiga tapos dun humiga si Alex sa kabila naman si Dave tsaka si Ge. Mas malaki kasi yung isa kaya yun yung pinili nila.
“Twin dito ka sa tabi ko…”
“Eh! Si Ge nalang!”
“Kaya nga kita pinapapunta dito eh. Kasi ayokong siya yung makita ko pagising ko.”
“Swerte mo nga eh! Pagmulat mo palang ng mata mo ang gwapo na agad ng makikita mo.”
“Pwede na ba akong sumuka ngayon?”
“Bahala ka. Dito ako matutulog para masira agad araw mo bukas.”
“Tse!!!”
“Eh kamusta naman yung dalawa na lovebirds na hindi na mapaghiwalay?”
Binato ni Alex si Ge ng maliit na unan binato nalang ulit ni Ge pabalik.
“Namiss ko lang, masama?”
“Eh di kami na ang inggit sa inyong dalawa.”
“Baliw ka talaga Yani.”
Konting asaran, nagkapikonan na naman yung dalawa pero itinawa din nila nung napagod na din sila tapos natulog na din kami.
“Patayin ilaw ha.”
“Grabe wag naman!”
“Beki mo. Si Sev nga na takot sa dilim di nagreact eh.”
“Eh kasama naman niya yung labidabs niya eh.”
“Grabe ka naman Ge!!!”
“Buksan niyo ilaw sige na. May multo sa tabi ko eh.”
Ayan na naman yung asaran nila na walang katapusan.
“Pag kayong dalawa talaga nagkatuluyan ewan ko na.”
“Nagsimula sa asaran, baka bukas iba na ang usapan.”
“Isa pa tong si Yani.”
Yun, nakatulog na din yung dalawa nung medyo tumagal. Si Dave kumakanta lang tapos si Yani ata tulog na din. Kami naman ni Alex, ayun, nagngingitian ng walang dahilan. Pano ba naman ako makakatulog nito kung kinikilig na naman ako.
“Tulog na. Konting pahinga din birthday girl.”
“Good night…”
“Nagbubulungan kayo rinig na rinig naman hanggang dito.”
“Good night Dave.”
“Kanta pa…”
“Ang kulit kasi eh. Tignan niyo yung pwesto ng kambal ko tsaka ni Ge, parang sila. Talo pa nila kayong dalawa.”
Dahan dahan naman kaming pumunta sa pwesto ni Charm at Ge, baka kasi magising pa sila. Tapos yun, natuwa kami sa nakita namin kasi parang nakatulog silang dalawa na naguusap lang.
Magkaharap silang dalawa tapos yung kamay ni Charm, nahulog na sa gilid ng kama tapos yung kamay naman ni Ge, malapit ng mahawakan yung kay Charm. Sa angulong to, mukhang mas bagay nga si Ge at si Charm.
“Sabi sa inyo eh. Nagkatamaan na ata tong dalawang to.”
“Ito OA kung magconclude.”
“Siguro. Malay natin diba?”
Yun, bumalik na kami sa dating pwesto namin tapos natulog na din kaming tatlo nila Dave.
Nagising nalang ako sa sigaw nila Charm. Nanonood ata kasi sila ng horror kaya nagtitilian sila. Pagkagising ko, amoy na amoy ko na si Alex. Nung medyo nadilat ko na yung mga mata ko, si Alex pala yung unan ko.
Siguro tumabi siya sakin nung nagising na yung dalawa. Ako lang talaga ata yung antukin samin na mahirap gisingin.
Gising na din pala siya tapos nanonood din siya nung movie pero ang daming unan na nakapatong sa likod ng ulo niya. Ang gandang umpisa ng araw ko kasi pagising ko palang, yakap yakap na ako ng pinakamamahal kong lalake sa buong mundo.
“Kaya pala ang himbing ng tulog ko eh.”
Kinamot ni Alex yung ulo ko tapos bumangon na din ako.
“Kumain na kayo?”
“Hindi pa, hinihintay ka namin magising.”
“Ay grabe dapat nauna na kayo.”
“Hindi ayos lang…”
“Wala pa namang isang oras yung nakalilipas eh.”
“Baliw. Tara sa baba, kain na tayo.”
Bumaba kami tapos nagbreakfast. Konting kwentuhan ulit tapos bumalik na kami sa room na tinulugan namin para ayusin kasi sobrang gulo. Parang mga bata yung mga natulog dun.
Nung mga alas dyis na ng umaga, nagsiuwian na din sila sa mga bahay bahay nila tapos ako naman, inayos ko na yung mga regalo na bigay nila sakin gawa ng binuksan ko naman na yun nung mismong pagkabigay nila.
Hindi ko alam kung anong saya yung nararamdaman ko ngayon. Basta sobrang saya ko ngayon dahil sa sobrang daming rason. Una kasi kaarawan ko tapos pangalawa dahil nandito na din ulit si Alex – kasama ko na ulit siya. Tapos yung ibang rason tinatamad na akong sabihin.
Basta yung dalawang yun yung nangingibabaw sa mga rason ko.
Ilang beses ko na din sinabi ko, bumilis yung takbo ng araw pagkatapos nun. Kaklase nga pala namin si Alex, hinayaan kasi siyang pumili ng sarili niyang section gawa ng late enrollee siya kaya pinili niya yung amin.
Tinuloy pa din namin yung count namin ni Alex sa buwan na magkasama kami kasi yun nga, hindi pumayag si Alex sa hiwalayan dati kaya tuloy parin.
13 months and running na.
Konting celebration lang naman, lumabas kami para kumain tapos nagkwentuhan lang kami ng sagad sagad.
NCAE nun, uso kasi tong ganitong mga exams kapag fourth year ka na kasi kailangan daw to sa college. Sakin naman hindi ko yun masyadong sineryoso, una kasi sobrang haba tapos sabi nila kuya hindi naman daw kailangan yun sa ibang universities.
Sumakit din yung puson ko sa araw na yun, kainis. Buti nalang nakapagexam pa ko tapos natiis ko pa yung sakit ng puson ko.
Sinamahan nalang ako ni Charm sa clinic tapos binigyan ako ng pain reliever tapos umuwi na daw ako para makapagpahinga. Pero since hindi naman ako masunuring bata, hindi pa ako umuwi kahit sobrang sakit na talaga.
Nagaayos kasi yung org nila Dave kasi may event daw na concerned sila kaya sila yung nagdedesign sa stage kung pano nila gusto. Pinanood ko na sila pero natatawa din ako habang nanonood ako. Kasama ko din pala si Charm na nanonood sa kanila.
Ang kulit kasi ni Dave at Ge. Pinaglalaruan nila yung isang yard ng see through na tela tapos binabalot nila sa katawan nila na parang dress type na lingerie. Basta ang pangit kasi tingin sa mga lalake, ang sagwa.
Tapos pinaglalaruan nila yung kawayan na ginagamit nilang pandesign. Kung mapagalitan tong dalawang to alam ko na kung ano yung rason.
Si Alex hinanap ko kasi hindi ko siya makita. KaOrg din kasi nila si Alex pero ewan ko ba kung bakit wala siya dito.
“Hinahanap mo ko?”
Napatingin ako kung san galing yung tunog. Nakita ko si Alex na may suot na headband na accessory kapag fairy ka. Ang kulit.
““Pacute ka naman masyado…”
“Gusto mo lang nito eh.”
““Tse!”
“Okay ka na?”
““Medyo… sa kakatawa ko siguro kaya nabawasan.”
Ngumiti siya tapos umakyat siya ng stage para magbuhat ng mga instruments para gamitin sa event. Pinapanood ko lang sila siyempre tapos tinatawanan ko na din yung kapilyahan ni Ge at ni Dave paminsan minsan.
Umupo si Alex sa upuan na katapat ko pero medyo malayo siya, pagod na din siya siguro. Si Dave at Ge naman, nagfafashion show na gawa ng patapos naman na yung ginagawa nilang pagaayos ng stage.
Siyempre ako tawa na naman ako ng tawa, sobrang babaw ng kaligayahan ko eh. Tsaka nakakawala talaga ng sakit ng puson ko yung pagtawa tawa ko.
Nung nasa ginta ako ng pagtawa ko, napatingin ako kay Alex. Wala lang gusto ko lang siya tignan. Nalaglag yung puso ko nung nakita ko siyang nakatingin ulit sakin, na pinagmamasdan ulit niya ako.
Yung favorite stare ko.
Nagbelat lang ako sa kanya tapos tumawa lang siya sa reaksyon ko.
Nung medyo hapon na, natapos na din sila tapos kumain kami ng konti – yung mga nagayos lang pala. Ayoko kasing kumain. Tapos umuwi na din kami.
Kasabay ko si Ge at Alex sa paguwi gaya ng dati. Yun nga lang, ngayon hindi ko na alam kung san nakatira si Alex gawa ng ate na niya yung kasama niya sa bahay at hindi na yung dati kong nakilalang pamilya niya.
So yun, konting usap usap lang tapos pumasok na ako kasi kailangan ko daw talaga ng pahinga. Makulit kasi ako masyado.
Tinawagan naman ako ni Alex pagkauwi niya ng bahay nila tapos dun nalang kami nagkwentohan. Kahit siguro gano katagal kami magusap ni Alex hindi kami nauubusan ng paguusapan. Parang isang oras pa lang kami hindi nagkikita may kwento na agad siya.
Isang beses dati, break time nun tapos kami ni Ge yung nagbantay ng table namin. Kitang kita namin yung loob ng canteen tapos nakikita din namin sila Charm at Alex na bumibili ng pagkain.
Bakit kaya pag iba yung kasama ni Charm sobrang mahinahon siya pero kapag sila na ni Ge yung naguusap hindi na humihina yung mga boses nila. Kala mo nakalulon sila pareha ng megaphone.
Gwapo talaga ni Alex kahit anong angulo at kahit anong panahon.
May hawak hawak akong notebook kasi nagaaral na din lang ako habang naghihintay, may quiz na naman daw kasi. Si Ge naman nakikiaral na din sa notes ko. Nababasa naman kasi kaya ayos lang.
“Sev…”
““Ano?”
“Wala lang…”
““Ano nga?”
“Pano kaya kung…”
Tinitigan ko lang siya habang hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin.
““Kung ligawan ko si Charm?”
